Manila, Philippines – Wala pang idinedeklarang election hotspots ang Commission on Elections (COMELEC) para sa 2019 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez – masyado pang maaga para magdeklara ng mga areas of concern sa halalan.
Sa ngayon, sinabi ni Jimenez na nakatutok sila sa nagpapatuloy na filing ng Certificates of Candidacy (COC) na magtatapos sa Miyerkules, Oct. 17.
Una rito, ipinabatid ng Philippine National Police (PNP) na patuloy pa rin ang kanilang pagkuha ng mga datos ng mga lugar na inaasahang magiging magulo sa panahon ng eleksyon.
Facebook Comments