NAGPALABAS | Listahan ng mga accredited hotel at accommodation establishments sa Boracay, inilabas ng DOT

54

Manila, Philippines – Nagpalabas naman ng listahan ang Dept. of Tourism (DOT) ng mga accredited hotels at accomodation establishments sa Boracay.

Kabilang dito ang 152 establisyimento na may katumbas ng mahigit 3,500 kwarto na maaring tuluyan ng mga turista sa muling pagbubukas ng isla sa Oktubre 26.

Ayon kay DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat – nakasunod ang mga nabanggit na hotel at establisyimento sa itinakdang requirements ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR), Dept. of Interior and Local Government (DILG), at maging ng kanilang ahensya.

Bukas, October 15 itinakda ang dry-run o soft opening ng Boracay na magtatagal hanggang October 25.

Facebook Comments