Maagang abiso bago magpatupad ng mga granular lockdown, ipinanawagan ni Senator Gatchalian

Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa Inter-Agency Task Force (IATF) at mga lokal na pamahalaan na magbigay ng maagang abiso sa mga lugar na ilalagay sa granular lockdown.

Ayon kay Gatchalian, bagama’t pabor siya sa granular lockown ay kailangan pa ring maging maayos at maaga ang pag-aabiso sa publiko upang mapaghandaan ito ng mga maaapektuhang residente at negosyo.

Sumang-ayon naman ang Senador na kailangang balansehin ang pagpigil sa COVID-19 infection at ang pagpapahintulot sa mga kababayan natin na makapagtrabaho.


Una na ring sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipinapaubaya na nila sa mga LGU kung agaran ang pagpapatupad ng lockdown o magbibigay ng abiso na 12 oras bago ipatupad ang paghihigpit.

Facebook Comments