Pagkilos ng KAPA Community Ministry sa Quezon City Memorial Circle, tinapos na

Maagang nagtapos ang  unity walk at prayer vigil ng mga miyembro at tagasuporta ng KAPA Community Ministry sa Quezon City Memorial Circle.

 

Dapat sana ay hanggang ala siyete pa ng gabi ang pagkilos ng Kapa pero pasado alas tres ay nagsipagkalasan na ang mga ito sa QC Memorial circle.

 

Wala palang nakuhang permit ang mga ito kung kayat panandalian lamang silang pinayagan na makapagsagawa ng noise barrage.


 

Ayon sa grupo, nasa 10,000 ang mga miyembro nila na nakibahagi sa aktibidad sa QC.

 

Pero sa pagtaya ng QCPD,nasa 300,000 lamang ang dumalo.

 

Bandang alas dos kanina nang magtipon tipon ang mga ito sa Visayas ave at 3:30pm  nang maglakad  sila patungong QC Memorial Circle.

 

Bitbit ang mga pito at mga panpaingay sabay sabay silang  nagsagawa ng noise barrage .

 

Ang pagkilos ay sabay sabay na isinagawa ngayong araw sa ibat ibang panig ng bansa sa layuning ipaabot kay Pangulong Duterte ang kabilang panawagan na ikonsidera ang pagpapasara sa  organisasyon.

Facebook Comments