Hindi tinanggap ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang maagang pagpapalaya kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Si Pemberton ay convicted sa kasong homicide dahil sa pagpaslang sa Pinay transgender na si Jennifer Laude noong 2014, pero pinapalaya siya ng Olongapo Regional Trial Court dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay Roque na dating private prosecutor ng pamilya Laude, nadismaya siya sa maikling panahong iginugol ni Pemberton sa kulungan na gumawa ng karumal-dumal na krimen.
Para kay Roque, ang pagkamatay ni Jennifer Laude ay paglalarawan sa “pagkamatay ng soberenya ng Pilipinas.”
Sa kabila ng pagkakaroon ng independent foreign policy ng Pilipinas, sinabi ni Roque na patuloy pa ring nananakop ang mga Amerikano sa mga koloniyal sa bansa.