MAAGANG PAGSALUBONG NG DAGUPAN CITY SA 2023 CHINESE NEW YEAR, GINANAP

Sinalubong ng maaga ng mga Dagupeno ang pagpasok ng taong 2023 Chinese New Year sa ginanap na Dagupan City Chinese Heritage Day.
Ang Chinese Heritage Day ay joint celebration ng pakikiisa ng buong Filipino-Chinese community sa Dagupan kabilan ang Pangasinan Filipino Chinese Chamber of Commerce, Filipino Chinese Chamber of Commerce, Inc., Pangasinan Chapter, Filipino-Chinese Amity Club-Dagupan Chapter, at Panda Fire Brigade, Inc.
Ginanap ang isang motorcade sa may central business district para salubungin ang Year of the Water Rabbit, kasabay nito ang pamimigay ng tokens o ampao na bahagi ng tradisyon ng mga Chinese.

Nag-perform rin ng Dragon at Lion Dance na kasama rin sa tradisyon sa Chinese New Year.
Ang pagsasagawa ng kaganapang ito ay nakatuwang ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang City Tourism Office, heritage preservation advocate group na Jayceeken, youth sector representatives, Dagupan City PNP at Public Order and Safety Office.
Bago ito ay nagsagawa rin ng prosperity dance sa tradisyunal na Lion and Dragon performance ang Dynamic Youth Dragon Lion Liu Wushu Team at umikot sa mga opisina at tanggapan ng lungsod. |ifmnews
Facebook Comments