Manila, Philippines – Isang maagang pamasko ang nakatakdang ianunsyo ngayon araw ng LTFRB kaugnay ng roll back sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, inaayos na nila ngayon ang isang board resolution kasunod ng kautusang mula kay DOTr Secretary Arthur Tugade na bawasan ang pamasahe sa pampublikong sasakyan.
Nasa pagtalakay pa ng LTFRB kung magkano ang ibabawas sa pamasahe at kung kabilang dito ang pampasaherong bus o ang jeep lamang.
Nilinaw naman ni Delgra na ang roll back sa pamasahe ay dulot ng patuloy na pagbaba ng krudo sa merkado.
Una ng nagtaas ng pamasahe sa jeep ng two pesos habang mag fare hike rin ang mga pampasaherong bus.
Facebook Comments