Dahil sa sunod-sunod na pag-ulan nitong mga nakalipas na araw, inihayag ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang hudyat ng habagat sa hilaga at gitnang Luzon sa kabila ng nararanasang panahon ng tag-init o bahagyang epekto ng El Niño.
Dahil dito, sinabi rin ng PAGASA na posible nang ianunsyo ng kanilang ahensya ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa mga susunod na linggo.
Idinagdag pa ng PAGASA na asahan ang malalakas na buhos ng ulan sa mga susunod na araw dulot ng habagat.
Matatandaan na ilang linggo na rin nakakapagtala ang lalawigan ng Pangasinan partikular na sa lungsod ng Dagupan ang nasa mahigit 40°Celcius na heat indexes.
Sa kabila nito, patuloy pa din sa paalala ang mga awtoridad na ugaliing maging alerto sa posibleng nalalapit na pagpapalit ng panahon.

Facebook Comments