BAWAL NA PAGMANEHO KAPAGNAKAINOM, MULING IPINAALALA NG LGU DAGUPAN.

Muling ipinaalala ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang bawal pagmaneho kung nasa ilalim ng impluwensya ng alak bunsod ng naganap na pagsalpok ng isang van sa bahaging U-Turn ng De Venecia Road.
Kuha sa CCTV ang nasabing insidente na nangyari bandang ala-una ng madaling araw, Linggo, May 21.
Kaugnay ng insidente, matatandaan na may implementasyon ng Anti-Drunk & Drug Driving Act sa lungsod.
Samantala, ang driver sa nasabing van ay nakainom umano. Bagamat may pagsalpok na nangyari, wala namang tinamong sugat o injury ang driver at kanyang mga pasahero.
Facebook Comments