Maagang pangangampanya ng ilang politiko, pinatutsadahan

“Tao muna, bago sarili.”

Ito ang patutsada ng grupong Ang Nars Partylist sa ilang politiko na nag-iikot na para sa 2022 election sa kabila ng malaking problema sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Ang Nars Partylist, dapat munang atupagin ng mga politiko ang maayos na COVID-19 response sa kanilang lugar bago ang maagang pangangampanya dahil matagal pa naman ang eleksyon.


Anila, may punto ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga kapwa nito politiko na obligasyon ng mga alkalde na manatili sa kanilang mga siyudad para tugunan ang kaso ng COVID-19 at hindi nag-iikot-ikot sa kung kani-kaninong politiko o partido.

Matatandaang bumisita si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Cebu at Zamboanga habang nakipagpulong din ito kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng partidong Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Facebook Comments