Maaliwalas na panahon sa Metro Manila, asahan ngayong araw

Umiiral pa rin ang hanging amihan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Dahil dito, asahan ang mahihinang ulan sa Cagayan Valley, Cordillera, Aurora at Quezon Province.

Sa Visayas at Mindanao, maganda ang panahon maliban sa mga isolated thunderstorms.


Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay magiging maaliwalas ang panahon.

Delikadong maglayag para sa mga maliliit na sasakyang pandagat ang mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan at Ilocos Norte.

Facebook Comments