Manila, Philippines – Aabot na sa 5.2 milyong mga indibidwal mula Region 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region ang posibleng maapektuhan ng typhoon Ompong.
Pinakamarami rito o 1.57 milyong indibidwal ay mula sa isabela na siya ngayong pinakatumbok ng bagyo.
Pangalawa ang Cagayan kung saan tinatayang aabot sa 1.2 milyong indibidwal ang posibleng maapektuhan.
Pero ayon kay NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas – posible pang madagdagan o mabawasan ang nasabing bilang depende sa magiging galaw at lakas ng bagyong Ompong oras na mag-landfall na ito.
Tiniyak din ng NDRRMC na nakahanda ang 2,112 na mga evacuation center sa mga lugar na apektado ng bagyo habang may 3,815 na mga eskwelahan din ang pwedeng tuluyan pansamantala.
Facebook Comments