PDEA-12- General Santos City- Nag negatibo sa isinagawang drug test si Maasim, Sarangani Province Mayor Aniceto “Jojo” Lopez.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Drug Enforcement Agency Region 12 Regional Director Gil Castro, base sa lumabas na resulta ng drug test kay Lopez.
Bukas,araw ng Lunes (October 9) isasampa na ang kasong laban kay Lopez sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.
Dahil ito sa mga narekober na isang kilo na pinaniniwalaang shabu na may market value na P5 milyon pesos, suspected ecstacy, small kichen shabu lab, at mga armas.
Facebook Comments