Maayos at mas mahigpit na pagpapatupad ng seguridad sa NAIA, tiniyak ng OTS at United States Transportation Security Administration

Tiniyak ng Office for Transportation Security (OTS) at United States Transportation Security Administration ang pagpapalakas at pagpapaigting sa seguridad sa ating bansa partikular sa ating mga paliparan.

Ayon kay OTS Officer in Charge Assistant secretary Jose Briones Jr., malaking tulong sa kanilang tangapan ang pwersa ng United States Transportation Security para mas mabantayan pa ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Metro Manila.

Aniya, nagsasagawa na ang US counterpart nito ng assessment sa kasalukuyang sitwasyon ng seguridad sa NAIA.


Kasunod nito, nag pasalamat naman si Asec. Briones sa US para sa inisyatiba na palakasin pa at paghusayin ang mga airport o gateway sa Pilipinas.

Facebook Comments