MAAYOS NA FIRE EXTINGUISHER, SINISIGURO NG DTI SA MGA MAGRERENEW NG BUSINESS PERMIT

Iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan na dapat nasusunod ang itinakdang standards sa mga fire extinguisher sa mga establisyimento bago mag-isyu ng permit para sa mga nagrerenew ng negosyo.

Sa panayam ng IFM Dagupan, isa sa mga mandatory items sa bawat establisyimento ang fire extinguisher na kinakailangan ng certification upang masiguro na dekalidad ang mga ito.

Alinsunod ang naturang proseso sa Product Certification Scheme ng Bureau of Philippine Standards, na itinakda ng tanggapan.

Kaugnay nito, binigyan-diin ng ahensya ang kahalagahan ng dekalidad na fire extinguisher bunsod ng dumaraming nagbebenta ng pekeng produkto.

Paalala naman ng DTI sa publiko na siguraduhing may lisensya ang pinagbibilhan ng produkto at ireport sa kinauukulan ang ano mang kahinahinalang gawain. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments