MAAYOS NA IMPLEMENTASYON NG GUN BAN INAASAHANG MAGTUTULOY-TULOY AYON SA COMELEC

127
Inaasahan ng Commission on Election o COMELEC na magtutuloy-tuloy ang maayos na implementasyon ng gun ban hanggang sa pagsapit ng halalan sa lalawigan ng Pangasinan kasabay din ng pagsasagawa ng mga COMELEC checkpoints.
Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, simula ng mag-umpisa ang pagpapatupad ng mga checkpoints bilang parte ng paghahanda sa nalalapit na eleksyon sa buwan ng Mayo, wala pa namang nakikitang mga problema at reklamo sa publiko maliban na lamang sa ilang mga nasisita dahil sa mga various violations ngunit sinisiguro naman na agad na iisyuhan ang mga ito ng ticket sa kanilang mga paglabag upang magsilbi itong warning sa kanila na hindi na ulitin ang kahalintulad na mga paglabag.
Natutuwa naman umano ang kanilang tanggapan dahil maganda ang nakikitang feedback at pagsunod ng publiko sa pagpapatupad ng naturang mga paghihigpit at umaasa na magiging maayos parin hanggang sa pagtatapos ng eleksyon sa buwan ng Mayo ngayong taon.

Samantala, paalala naman ng COMELEC Pangasinan sa mga nagsasagawa ng checkpoint na gawin lamang ang “plain view search” sa mga dadaan sa checkpoint dahil base sa guidelines ay hindi na kinakailangan na halughugin o buksan pa ang mga dumaraang sasakyan sa checkpoint. | ifmnews
Facebook Comments