Pinasisiguro ni 3-term Senator at Antique Lone District Rep. Loren Legarda sa pamahalaan na ipatupad ng maayos ang mga batas para maprotektahan ang mga kababaihan.
Ang apela ng mambabatas ay kasunod ng pagsisimula bukas, Nov. 25, 2021 ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila, tinukoy ni Legarda ang mga naipasang batas at resolusyon para sa karapatan at kapakanan ng mga kababaihan tulad ng Anti-Violence Against Women and Children Act, Magna Carta of Women, Domestic Workers Act, Expanded Anti-Trafficking in Persons Act at iba pa.
Giit ni Legarda, karamihan sa mga kababaihan na naaabuso ay hindi alam ang kanilang mga karapatan.
Sa datos ng Philippine Statistic Authority noong 2017, isa sa bawat apat na babae ang nakakaranas ng physical, emotional at sexual violence sa bansa.
Batay naman sa Philippine Commission for Women, mula March 2020 hanggang August 2021 ay umabot sa mahigit 18,000 ang naitalang kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan.