Maayos na kalusugan ng pangulo, hiling ng ilang kritiko

Manila, Philippines – Sa kabila ng pagiging kritiko ng Pangulong Duterte, hinihiling pa rin ng ilang mga mambabatas mula sa oposisyon na maayos ang kalusugan ng Presidente.

Ito ay kasunod na rin ng mga nakaraang araw na hindi pagpapakita ng Pangulo dahil kinakailangan nitong magpahinga matapos ang sunud-sunod na aktibidad lalo na ang pagbabantay sa kaguluhan sa Marawi.

Hiling ni Baguilat ang “better health” para sa Pangulo pero dapat na sabihin pa rin ang tunay na sitwasyon ng kalusugan nito upang matigil na ang mga spekulasyon na may malala itong sakit sa tuwing mawawala sa mata ng publiko.


Ikinatuwa din ng kongresista mula sa Liberal Party ang pagkilala ng Pangulong Duterte kay Vice President Leni Robredo na mag-take over sa mga gawain at aktibidad ng Pangulo kapag wala ito.

Matatandaang nitong nakaraang pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan ay hinayaang manguna sa seremonya si Robredo kahit pa mayroong kinatawan ang Pangulo para sa selebrasyon.

Facebook Comments