Maayos na koordinasyon ng Ehekutibo at Lehislatibo, ipinanawagan ni Senate Minority Leader Drilon

Hinikayat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) na pagbutihin pa ang koordinasyon ng Ehekutibo at Lehislatibong sangay ng gobyerno.

Ayon kay Drilon, ito ay para maiwasan ang pag-veto sa mga panukala at Implementing Rules and Regulations (IRR) na aaprubahan para maging isang ganap na batas.

Maliban sa mapapabilis ang proseso, daan din aniya ito para agad na malaman kung taliwas sa polisiyang ipinatutupad ng Pangulo ang panukalang batas.


Ilan sa mga inihalimbawa rito ay ang mga panukalang umabot na sa Bicameral Conference Committee pero na-veto pa rin sa huli.

Facebook Comments