Maayos na pagpapataw ng karagdagang 10 porsyentong buwis sa krudo at import na petrolyo, tiniyak ng DOE

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na maayos na ipinapatupad ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapataw ng karagdagang 10 porsyentong buwis sa krudo at import na petrolyo.

Ayon kay DOE Sec. Alfonso Cusi, inutusan na niya ang Oil Industry Management Bureau (OIMB) na siguruhin ang pagtugon ng mga oil firm sa Executive Order (EO) No. 113.

Dahil dito, kahit may karagdagang 1.50 hanggang 1.60 pesos per liter tariff range, mababa pa rin ang presyo ng produktong petrolyo.


Mayo 2 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang EO No. 113, na pansamantalang nagpapataw ng karagdagang 10 porsyentong import tax sa produktong petrolyo.

Facebook Comments