NBA, nagbabala sa mga players nitong tatangging lumahok sa pagbabalik-laro sa July

Nagbabala ang National Basketball Association (NBA) sa mga manlalarong tatangging makilahok sa pagbabalik-laro nito na nakatakda sa July 30 sa Walt Disney World resort sa Orlando, Florida.

Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, may hanggang June 24 na lang ang mga ito para magdesisyon dahil posibleng hindi na ito paglaruin at makatanggap ng bayad sa loob ng 14 games.

Hindi rin aniya para sa lahat ang pagbabalik-laro dahil nangangailangan pa rin ito ng malaking sakripisyo dahil sa posibleng pagkahawa sa COVID-19.


Ilan sa mga nagpahayag ng pagtutol sa pagbabalik-laro ng NBA ay sina Los Angeles Lakers Dwight Howard at Brooklyn Nets guard Kyrie Irving.

Facebook Comments