Maayos na pangangalaga sa mga PDL sa panahon ng tag-init, tiniyak ng Quezon City Jail

Sinisiguro ng pamunuan ng Quezon City Jail Male Dormitory na napapangalagaan nang maayos ang kalusugan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ngayong panahon ng tag-init.

Sa tulong ng partner roving medical doctors at psychiatrist mula sa Bureau of Jail Management and Penology National Capital Region (BJMP-NCR), tinututukan ng QC Jail Health Service Unit ang mga PDL para makaiwas sa iba’t ibang sakit.

Kinumpirma ni QC Jail Male Dorm Warden Jail Supt. Michelle NG Bunto, na may mga PDL na ang nakakaranas ng stroke, amoebiasis, sore eyes at skin diseases gaya ng prickly heat, scabies at pigsa.


Gayunman, tinuturuan na rin sila ng tamang pangangalaga sa sarili at kaayusan sa pasilidad.

May inilagay na ring 3 stage water filtration system sa kada-dorm, 11 water filter system sa kabuuan sa bawat selda para makaiwas sa water borne diseases at may mainom na malinis na tubig ang mga PDL.

Facebook Comments