Rescheduled Civil Service Examination, isinasagawa ngayong araw – CSC

73

Ginaganap ngayong araw ang rescheduled Civil Service Examinations sa siyam na testing centers sa bansa.

Ang pagsusulit na ibinibigay sa mga registered examinees ay ang Career Service Examination para sa Foreign Service Officer (CSE-FSO) na orihinal na itinakda noong September 12, 2021 pero ipinagpaliban.

Kabilang din ang Fire Officer Examination, Penology Officer Examination at Basic Competency on Local Treasury Examination na orihinal ding naka-schedule noong October 10, 2021.


Ayon sa CSC, may 17,840 kabuuang examinees ang inaasahang kukuha ng examination ngayong araw.

Facebook Comments