Manila, Philippines – Hindi basta basta papasok sa Senado ang mga tauhan ng Philippine National Police na naatasang mag-isyu ng warrant of arrest laban kay Senator Antonio Trillanes IV dahil sa kasong rebelyon at inciting to sedition.
Ito ang sinabi ni PNP Chief Oscar albayalde, matapos na magpalabas na ng warrant of arrest ang Makari RTC branch 150.
Aniya, utos niya sa Chief of Police ng Makati na si Sr. Supt. Rogeli Simon na maayos na makipagunayan kay Senate President Tito Sotto.
Sinabi pa ni Albayalde na maaring gawin sa Senado ang booking procedure at maari ring sa Senado na rin gawin ang pagpapyansa nito sa halagang 200 libong piso.
Karapatan naman daw ito ng Senador.
Mahigpit na bilin ni Albayalde sa kanyang mga tauhan na ipatupad ang maximum tolerance.