Maayos na Standard Operating Procedure sa pagtanggap ng COVID-19 patients sa mga ospital, hiniling ni VP Robredo

Kwinestyon ni Vice President Leni Robredo ang datos ng Department of Health (DOH) na 48% lang ng mga severe at critical case ng COVID-19 patient ang naka-admit sa mga ospital habang at 50% naman sa mga namatay ang hindi na-confine.

Sa kaniyang mensahe sa bayan, sinabi ni Robredo na dapat ay magkaroon ng maayos na Standard Operating Procedure (SOP) ang pamahalaan para sa pagtanggap ng mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.

Pinuna rin ni Robredo ang 10.5% positivity rate ng Pilipinas na higit na mas mataas sa standard ng World Health Organization (WHO).


Aniya, dapat ay umabot lang sa mas mababa sa 1 percent ang positivity rate sa bansa na maabot lang kung ipatutupad ang mas agresibong mga tugon para dito.

Giit pa ni Robredo, mainam din na solusyon rito ang paggamit ng teknolohiya tulad ng tracing application na pwedeng ipatupad ng mga Local Government Unit (LGU) para mapabilis ang contact tracing.

Facebook Comments