Mababang bilang ng foreign students sa bansa, naitala ng BI

Bumaba ng halos 75 porsyento ang bilang ng mga foreign students sa bansa noong taong 2020.

Batay sa tala ng Bureau of Immigration (BI), umabot lamang sa 1,254 ang nag-apply para sa student visas, higit mas mababa sa 4,875 noong taong 2019.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, 7,170 foreign students lamang din ang nag-renew ng kanilang visa mula sa dating 10,433 na mga estudyante.


Itinuturong dahilan ng BI ang travel restrictions at pagsuspinde ng face-to-face classes dahil sa nagppatuloy na COVID-19 pandemic.

Dagdag pa ni Morente, nagresulta rin ito sa pagbaba sa koleksiyon ng ahensya sa student visas fees.

Facebook Comments