Mababang hospital utilization rate sa NCR sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 cases, aasahan pa rin

Normal na manatiling mababa ang hospital utilization rate sa Metro Manila kahit pa mataas ang positivity rate dito.

Sa Laging Handa briefing sinabi ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante, inaasahan na ang ganitong resulta lalo na’t marami sa mga nagpositibo ang tinamaan ng BA.5 variant.

Paliwanag ni Solante, tanging mild symptoms lamang ang epekto ng variant na ito sa isang indibidwal na nahawaan ng virus.


karaniwan aniya, pinauuwi na ng mga doktor ang mga may mild symptoms, para sa bahay na lang mag isolate at magpagaling.

Kaya naman ayon kay Solante, tanging mga senior citizen at mga may comorbidities na lamang ang mga naa-admit sa mga ospital.

Facebook Comments