Maaari nang makapunta muli sa beach at ilang summer destination.
Ito ay dahil asahan na ang mababang kaso ng COVID-19 sa bansa pagpasok ng Marso.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Prof. Guido David ng OCTA Research group na makalipas ang higit dalawang taon ay masasabing ligtas na ulit makapamasyal, mag-outing o mag-beach sa nalalapit na panahon ng tag-init.
Pero paglilinaw ni David, ito ay kapag wala nang panibagong variant ng COVID-19 ang susulpot.
Sa ngayon kasi, may iilang lugar na lamang sa bansa ang nasa high risk category partikular na sa Visayas at Mindanao, pero pagsampa ng Marso ay tiyak na nasa low risk classification na rin ang mga ito.
Kasunod nito, patuloy na paalala ng OCTA sa publiko na palagiang sumunod sa health at safety protocols upang hindi na muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa bansa.