MABABANG PRESYO NG KAMATIS, NARARANASAN SA DAGUPAN CITY

Bumagsak ang presyo ng kamatis sa ilang pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Nakikitang dahilan ang pagdami ng suplay nito na nagmumula sa Nueva Viscaya at sa lalawigan mismo ng Pangasinan.
Mula sa 40 hanggang 60 pesos na dating presyo ng kada kilo ng kamatis, ngayong ay nasa 15 to 25 pesos na lamang.

Samantala, asahan pa ang maraming suplay at pagbaba pa ng presyo ng kamatis sa merkado dahil tatagal pa hanggang buwan ng Marso ang harvesting period nito. |ifmnews
Facebook Comments