Patuloy na iniinda ng mga magsasaka sa bayan ng Sta. Barbara ang mababang buying price ng palay ngayon dahil panahon na naman ng anihan.
Ayon sa ilang magsasaka, nasa 17 pesos ang wet palay samantalang 22 pesos naman ang dried palay.
Dahil dito, pasanin umano ito sa kanila dahil nga sa taas ng suplay ngunit mababang presyo nito. Dagdag pa riyan, hindi na raw muna umano magbebenta ang ilan sa kanila at iistock muna hanggang sa tumaas na ang presyo nito.
Samantala, sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Bantay Bigas Spokesperson, Cathy Estavillo, kailangan umanong umaksyon ang pamahalaan ukol dito dahil lubhang apektado ang mga magsasaka.
Samantala, umaasa ang ilang magsasaka na maging maganda pa ang kanilang anihan ngayong srcond cropping season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨







