MABABANG SINGIL | Coal, nananatiling mura sa kabila ng mataas na presyo ng langis – DOE

Manila, Philippines – Nananatiling mura ang halaga ng coal sa kabila ng mataas na presyo ng langis.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Undersecretary Wimpy Fuentebella, mahalaga ang coal bilang alternatibong pagkukunan ng enerhiya.

Inaasahan ng ahensya ang mga bagong coal-powered plants na susunod sa environmental standards.


Sinegundahan ito ni Philippine Chamber of Coal Mines Executive Director Arnulfo Robles at sinabing importante rin ang coal para sa cement manufacturing.

Ginagamit din ito sa produksyon ng ilang pangunahing produkto tulad ng sardinas, instant noodles at processed foods.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang balansehin ng bansa ang paggamit ng cheap power at ng clean energy.

Facebook Comments