Mababang voters turnout, nakuha sa ikalawang BOL plebiscite

Bigo ang Commission on Elections (Comelec) na maabot ang mataas na voter turnout sa ikalawang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Comelec Region 12 Director Michael Abas, nasa 60 percent lamang ng bilang ng mga botante ang naitala sa plebisito kahapon.

Malaki aniya ang naging impact ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng 23 katao.


Sabi ni Abas, posible ring hindi lang talaga interesado ang mga residente na sumali sa naturang botohan.

Facebook Comments