MABABASURA? | Pag-amin ni SolGen Calida sa pagpasa ng mga SALN ni CJ Sereno noong siya pa ay law professor, nagpa-‘wasak’ ng kanyang sariling Quo Warranto Petition

Manila, Philippines – Iginiit ng kampo ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ang mismong pag-amin si Solicitor General Jose Calida na nagpasa talaga ang Punong Mahistrado ng kanyang Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALN) noong siya pa ay law professor ang siyang nagpabasura sa inihain nitong quo warranto petition.

Nabatid na naghain ng nasabing petisyon si Calida sa Korte Suprema para kwestunin ang 2012 appointment ni Sereno bilang Punong Mahistrado dahil sa kabiguang pagpasa ng SALN sa Judicial and Bar Council (JBC).

Sinabi ni Calida na natanggap niya ang sertipikasyon mula sa University of the Philippines Human Resource Development Office (UP HRDO) kung saan nakapagpasa si Sereno ng SALN noong siya pa ay propesor noong 1985, 1990, 1991, 1993, 1994, 1995, 1996, 1997 at 2002.


Ayon sa tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Josa Deinla – ang petisyon ni Solgen Calida ay ibinase lamang niya sa paniniwala niyang hindi naghain si Sereno ng kanyang mga SALN at bigong maabot ang constitutional requirement ng JBC.

Ipinaalala pa ni Deinla – nakasaad lamang sa petisyon ni Calida na si Sereno ay nakapaghain lamang ng 1998, 2002 at 2006 SALN sa loob ng kanyang pagtuturo sa UP College of Law mula 1986 hanggang 2006.

Dahil dito, pinatunayan lamang ni Calida na walang basehan ang kanyang quo warranto petisyon.

Facebook Comments