MABAGAL NA DALOY NG TRAPIKO NGAYONG HOLIDAY RUSH, RAMDAM NA SA DAGUPAN CITY

Walong araw bago ang Pasko, ramdam na sa Dagupan City ang mabagal na daloy ng trapiko sa ilang kakalsadahan sa Dagupan City lalo na tuwing sasapit ang hapon.

Sa downtown area, nararanasan na ang pagdami ng sasakyan maging ng mga mamimili na magpupunta sa Baratilyo at papasyal sa mga pailaw ganon din sa bahagi ng Perez Blvd na nagkaroon naman ng road construction.

Asahan pa umano ayon sa awtoridad ang mas Matinding traffic ilang araw bago ang kapaskuhan.

Patuloy naman ang POSO enforcers sa pagbabantay at pag-gabay sa mga motorista sa gitna ng kalsada ngayong holiday season upang maiwasan ang iba pang insidente at aberya sa pagitan ng pedestrian at ng mga sasakyan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments