Mabagal na implementasyon ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) Program NG SB Corp., sinita ng mga mambabatas

Pinuna ng mga kongresista ang implementasyon ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) Program ng Small Business Corp. o SB Corp. para sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Sa virtual hearing ng House Committee on Micro, Small and Medium Enterprises, sinita ni Deputy Speaker Deogracias Victor Savellano ang SB Corp. dahil sa mahigit sampung libong nag-apply para sa pautang sa mga MSMEs na apektado ng community quarantine, labing dalawa lamang dito ang loan application na nailabas.

Bukod dito, sinita din ng kongresista ang 6% na service fee na singil ng SB Corp. sa kanilang pautang, gayong ang pondo naman para sa loan program nito ay mula sa General Appropriations Act.


Sinagot naman ni SB Corp. Group Head Frank Gonzaga na mababa lang ang 6% nila sa service fee at ito ay ginagamit naman sa pagpo-proseso ng mga loans bukod pa sa kakaunti lamang ang kanilang mga tauhan sa buong bansa.

Samantala, sa pagtatanong naman ni Misamis Oriental Rep. Christian Unabia, inamin ng SB Corp. na kukulangin ang kanilang isang bilyong pisong na pondo para sa pautang kung ang lahat ng 10,137 potential borrowers ay mangungutang.

Iginiit naman ni Committee on MSME Chairman at Manila Teachers Rep. Virgilio Lacson na i-review at i-revisit ng SB Corp. ang kanilang programa dahil sa mataas na discrepancy

Facebook Comments