Mabagal na installation ng mga bagong power plants, ipasisiyasat sa Kamara

 

Iimbestigahan ng House Committee on Energy ang umano’y delay sa installation ng mga bagong power plants sa Luzon.

 

Ito ay kasunod na rin ng babala ng San Miguel Corp., na mahaharap sa malawakang ‘rotating blackouts’ ang Luzon simula sa 2020 hanggang 2022 bunsod ng pagkabinbin sa pagtatayo ng mga bagong power plants sa kabila ng pagtaas ng demand.

 

Ayon kay Deputy Minority Leader Luis Campos, ihahain nila ang resolusyon para imbestigahan ang mabagal na pagtatayo ng mga bagong power plants sa unang araw ng 18th Congress sa July 1.


 

Kailangan aniyang silipin ng Kamara ang regulatory issues na nagiging dahilan ng pagkaudlot sa konstruksyon ng mga dagdag na power plants.

 

Iginiit pa ng kongresista na kailangan maagapan ang energy shortage upang matiyak ang 6.5% economic growth ng bansa.

Facebook Comments