Nagbigay agad ng kumento si MMDA Chairman Danilo Lim kasabay ng kinasang metro manila shake drill.
Kanilang alas 4:00 ng madaling araw, may itinayong command center sa tanggapan ng MMDA.
Kabilang sa nakaabang sa mga senaryo na dapat respondehan si MMDA Chairman Danilo Lim, NCRPO Chief Major Guillermo Eleazar, mga opisyal ng DILD, DOH, BFP, LGUs, Manila Water at Meralco.
Ayon kay MMDA Chairman Lim sa isinagawang shake drill, una pa lang ay marami agad siyang nakita na dapat maimprove.
Pero para sa kanya, pasado at kuntento siya base sa inisyal na pag-oobserve.
Samantala, ito na ang ikalimang beses na nagsagawa ng earthquake drill.
Sa bawat shake drill, inaalam kung gaano tayo kahanda pati na rin ang LGUs at otoridad kung sa kanila man tumama ang malakas na lindol.
Bukod sa rush hour, merong biglaan sa mga nagdaang shake drill. Ngayong madaling araw at madilim isinagawa ang pagsasanay dahil ayon kay MMDA Chairman Lim, walang oras na pinipili ang kalamidad.