Napaiyak ang isang Grade 4 student ng Nagpayong Elementary School sa Pasig sa unang araw ng kanyang online class.
Ayon kay Maine Bernal, ang nanay ng nasabing estudyante, hindi nakakasabay sa pag-aaral ang kanyang anak dahil sa mabagal na internet
Nagbabayad ng 1,800 pesos kada buwan si Bernal para sa PLDT fiber pero hindi naman ito magamit ng maayos.
Aniya, 4 ang subject ni Andi ngayong araw na nagsimula alas-7:00 ng umaga at tumatagal ng isang oras ang kada subject.
Nag-aalala tuloy siya sa magiging takbo ng pag-aaral ng kanyang anak lalo’t unang araw pa lang ay nawawala na agad sa konsentrasyon ang anak sa pag-aaral.
Nakakalungkot man isipin pero sa huli, nagpasya na ang mag nanay na patayin na lang ang computer at itinigal na ang pag-aaral ngayong unang araw ng pasukan.