Itinuturo ni Senator Risa Hontiveros sa mabagal na pagresolba ng Commission on Elections (Comelec) sa mga electoral protest ang mga kaso ng sunud-sunod na pagpatay at pananambang sa mga kasalukuyan at dating opisyal ng lokal na pamahalaan.
Puna ni Hontiveros, atrasado ang mga ruling ng Comelec en banc at lalo pang nagiging ineffective at inefficient ang mga proseso ng Comelec.
Dahil sa matagal na resulta ng mga electoral protests kaya gumagamit na ng dahas at karahasan ang mga naghahabol sa pwesto.
Agad na pinarerepaso at pinabibilisan ni Hontiveros sa Comelec ang pagresolba sa mga electoral protests.
Pinuna naman ni Senator Raffy Tulfo na nagkulang ang mga awtoridad sa intelligence gathering kaya nakalusot ang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ipinunto ni Tulfo na noon pa pala may banta sa buhay ni Degamo pero hindi ito nabigyan ng sapat na proteksyon ng mga awtoridad.