PNP, may lead na sa posibleng mastermind sa Degamo slay case

May mga ibinulgar na ang mga suspek na pumatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Col. Jean Fajardo ang rebelasyon ng mga suspek ay mula sa extra judicial confession ng dalawa mula sa apat na arestadong suspek kung kaya’t mayroon na silang credible lead para matunton ang mastermind sa krimen.

Aniya, pinag-iingatan ng PNP ang pagpapalabas ng impormasyon para hindi makumpromiso ang kanilang imbestigasyon.


Sinabi pa ni Fajardo na isinasa-pinal na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang mga posibleng kaso na isasampa laban sa mastermind.

Sa ngayon tinitingnan ng PNP ang anggulong politika sa insidente, dahil ang pagkakaupo ni Degamo bilang gobernador sa Negros Oriental ay bunsod ng diskwalipikasyon ng kanyang kalaban sa politika.

Facebook Comments