Sisilipin ng Department of Health (DOH) ang sanhi ng mga umano’y mabagal na pagpapadala ng COVID-19 vaccines sa ilang lokal na pamahalaan.
Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, tinitingnan na ng kagawaran ang pag-usad ng mga bakunang galing sa Metro Manila patungo sa mga probinsya.
Sa higit 7.7 milyong COVID-19 vaccine doses na dumating sa Pilipinas, 82.4 percent ang naipamahagi na habang 2.6 milyon ang naiturok na.
Sa Metro Manila, na sentro ng COVID-19 vaccination, nasa kalahati pa lang ng target na 120,000 kada araw ang nababakunahan.
Patuloy namang hinihikayat ng DOH ang publiko na magpabakuna na dahil sa kabila ng gumagandang datos sa mga ospital ay dapat pa ring paigtingin ang mga hakbang para makontrol at masugpo ang COVID-19.
Facebook Comments