Pinuna ni Ang Edukasyon PL Rep. Salvador Belaro ang mabagal na pagpapadala ng text alert ng NDRRMC kaugnay ng nangyaring lindolnitong weekend.
Giit ni Belaro, sunud-sunod na ang mga nangyaring lindol pero mas mabilis pang nakapagpadala ng fake news ang mga nanloloko kaugnay ng lindol kumpara sa text alert ng NDRRMC na naipadala ilang oras matapos anglindol. Sa halip na kumalma ang mga tao at maghanda kungnakapagpadala sana agad ang NDRRMC ng text alert ay nagpanic pa ang mga itolalo dahil sa naniwala sa fake news.
Puna pa ng kongresista, naunahan din ng US Geological Service o USGS ang PHIVOLCS sa paglabas sasocial media ng impormasyon kaugnay ng lindol nitong sabado.
Nilinaw ni Belaro na hindi niya minamaliit ang trabaho ng NDRRMC at PHIVOLCS pero sa ganitong pagkakataon ay napakahalaga anya ng mabilisna pagpapalabas ng tamang impormasyon.
Mabagal na text alert tungkol sa lindol, ikinadismaya ng isang mambabatas
Facebook Comments