MABAGAL NA USAD NG TRAPIKO SA BAHAGI NG AB FERNANDEZ AVE. DAGUPAN CITY, MAAGANG NARANASAN DAHIL SA NAIPONG TUBIG ULAN

Maagang naranasan kaninang umaga ang mabagal na usad ng trapiko sa bahagi ng AB Fernandez Ave. Dagupan City dahil sa naipong tubig sa gilid ng kakalsadahan dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan kahapon ng hapon.
Perwisyo umano ito sa mga maaga pang gumising para makapasok sa kani-kanilang mga trabaho at maging mga estudyante na papasok sa kanilang mga klase.
Kahit pa may tubig ulan sa ilang bahagi ng naturang kalsada ay tuloy pa rin naman ang konstruksyon ng pagpapataas ng nito nang sa gayon ay maagang itong matapos at maiwasan na ang mabagal na daloy ng trapiko.

Isa ang AB Fernandez Ave. Sa mga busy roads sa Dagupan City kung saan dito sumasakay at ibinababa ang mga pasahero na magpupunta sa kanilang mga trabaho at eskwela kaya naman malaking abala sa mga ito ang pagkakaroon pa ng tubig ulan sa kalsada sabay sa kasalukuyang konstruksyon ng daanan.
Samantala, may mga nakaantabay naman na mga POSO Officers sa naturang kalsada upang gabayan, i-monitor, at ma-kontrol ang daloy ng trapiko. |ifmnews
Facebook Comments