MABENTA | Burger patty na gawa sa uod, patok sa Germany

Germany – Sikat at mabentang-mabenta ngayon sa Germany ang burger nila na may kakaibang palaman.

Sa halip kasi na karne ng baboy o baka gawa sa uod ang ginagamit nilang burger patty!

Ayon sa ibang mga nakatikim na, sa sobrang sarap ng uod burger ay napapa-take 2 sila.


Kwento ni Baris Oezel, apat na taon ang ginugol nila bago na-perfect ang lasa ng uod burger na mayaman sa protein.

Nakuha nila ang ideyang ito sa Southeast Asia kung saan karaniwan nang iniaalok ang mga insekto bilang pagkain.

Facebook Comments