MABIBIGYAN AGAD | Outgoing AFP Chief of Staff Carlito Galvez, may nag-aabang nang posisyon sa Gobyerno

Manila, Philippines – Hindi pa mana nakapagreretiro ay posibleng mabigyan na agad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng posisyon sa pamahalaan si Outgoing AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, pinagiisipang italaga ni Pangulong Duterte bilang bagong Presidential Adviser on the Peace Process si Galvez.

Ito ay kapalit ni dating Secretary Jesus Dureza na nagbitiw sa posisyon.


Si Galvez ay magreretiro sa December 12 at papalitan naman ito Lt. General Benjamin Madrigal.

Facebook Comments