Mabibiling paracetamol sa mga botika, nilimitahan na ng pamahalaan

Nilimitahan na ng pamahalaan ang maaaring mabiling paracetamol at ilang anti-flu medicines matapos na magkaubusan ng supply sa ilang drugstores.

Batay ito sa inilabas na joint memorandum ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH).

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, batay sa memorandum ang isang indibidwal ay maaari lamang bumili ng 20 tablets ng 500 milligram ng paracetamol habang ang isang household ay maaaring bumili ng 60 tableta.


Aniya, ganito rin ang ipapatupad na limitasyon sa pagbili ng carbocisteine na gamot sa ubo.

Iginiit din ni Nograles na mahigpit na ipagbabawal ang online selling ng mga nasabing gamot maliban na lamang kung may pahintulot ng Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments