Omicron variant, hindi pa rin ikinokonsiderang dominant variant sa bansa

120

Nilinaw ng Philippine Genome Center (PGC) na hindi pa nila maikokonsidera na ang Omicron variant ng COVID-19 ang dominant variant sa bansa.

Ayon kay PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma, kailangan pa nila ng karagdagang ebidensya mula sa mga kinakalap nilang sample.

Aniya, ang pahayag ni Health Sec. Francisco Duque III na ang Omicron na ang dominant variant sa bansa ay ibinatay sa resulta ng pinakahuli nilang pagsusuri sa 48 na samples.


Tiniyak naman ni Saloma na patuloy ang kanilang sequencing sa mga natatanggap nilang sample at ilalabas nila ito bago matapos ang linggong ito.

Facebook Comments