Mabigat na daloy ng trapiko, asahan ngayong weekend dahil sa mga isasagawang road repair ng DPWH sa ilang kalsada sa Quezon City, Caloocan at Pasig

Manila, Philippines – Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko ngayon weekend sa ilang kalsada sa Quezon City, Caloocan at Pasig.

Ito ay dahil sa ipagpapatuloy ng DPWH ang mga road repairs simula alas-11:00 ng gabi mamaya (September 8) hanggang alas-5:00 ng umaga ng Lunes (September 11).

Kabilang sa mga apektadong kalsada ay ang mga sumusunod:
Quezon City:
· Ikalawang lane, southbound ng A. Bonifacio Avenue, mula Dome Street hanggang Sgt. Rivera
· Ikalawang lane, southbound ng Mindanao Avenue mula Tandang Sora sa harap ng Shell Gas Station
· Ikatlong lane, southbound ng EDSA mula Kainigin Road hanggang Dario Bridge
· Trunk lane, southbound ng E. Rodriguez Jr. Avenue, paglagpas ng Greenmeadows Avenue at paglagpas ng Boni Serrano flyover
· Ikalawang lane, northbound ng C.P. Garcia Avenue mula University Avenue hanggang Maginhawa Street
· Northbound ng Luna Road mula East Avenue hanggang Kalayaan Avenue
Caloocan
· Northbound ng Quirino Highway corner La Mesa Dam road


Pasig
· southbound ng C-5 road, malapit sa Julia Vargas
· northbound ng Manila East Road, sa harap ng SM East Ortigas

Dahil sa mga nabanggit na road repairs, muling pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na maghanap ng mga alternatibong ruta.

Facebook Comments