13 patay sa hagupit ng hurricane Irma

World – Umabot na sa 13 ang kumpirmadong namatay sa lakas ng hagupit ni hurricane Irma sa Northern Caribbean Islands sa Barbuda.

Pito sa mga nasawi ay mga miyembro ng public safety mission at posibleng tumaas pa ang bilang na ito.

Ayon sa Miami, Florida public advisory, inaasahan pa ang paglakas ng bagyo at posibleng mag landfall ito sa Southern Florida.


Samantala, nagsagawa naman ang Florida Power and Light (FPL) ng shutdown of nuclear power plants sa florida bilang paghahanda pa rin sa hurricane Irma.

Facebook Comments