Dalawang aksidente agad ang naitala sa northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) sa kasagsagan ng traffic kaninang umaga.
Alas 7:30 kaninang umaga nang maganap ang karambola ng sampung sasakyan bago sumampa sa Candaba viaduct.
Makalipas ang 15 minuto, isa na namang banggaan na kinasangkutan ng tatlong closed van ang naganap sa innermost lane ng Candaba viaduct.
Umabot sa higit dalawang kilometro ang pila ng mga sasakyan dahil sa magkasunod na aksidente.
Wala namang nasawi o nasaktan at naitabi na ang mga sasakyan.
Samantala, nagsimula na ring humaba ang pila ng mga sasakyan sa tatlong entries ng NLEX partikular sa Balintawak, Mindanao at Karuhatan toll plaza.
Ayon kay NLEX Traffic Operations Senior Manager Robin Ignacio – nakadagdag din kasi sa volume ng mga sasakyan ang mga bumabiyahe para dumalo sa isang malaking event ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Philippine Arena.
Magtatagal ang preparasyon ng NLEX hanggang Lunes.